
Kayo ay aming inaanyayahang dumalo sa 31st Annual General Membership Assembly ng PELCO II sa darating na November 9, 2025.
Ating alamin ang mga kaganapan at pag-uulat ng pamunuan sa kasalukuyang kalagayan ng Kooperatiba—mula sa pinansyal, teknikal, at institusyonal na operasyon, hanggang sa mga resolusyong inilatag sa nakaraang taon. Sama-sama rin nating pag-uusapan ang mga bagong hakbang at panukala para sa mas lalo pang pag-unlad ng PELCO II.
Pwedeng pumunta sa alinman sa mga sumusunod na venue:
• Dila-Dila Sports Center, Dila-Dila, Santa Rita, Pampanga
• Madapdap Resettlement Covered Court, Dapdap, City of Mabalacat
May chance manalo ng libu-libong cash prizes at brand new e-bike bilang pasasalamat sa inyong walang sawang suporta!
Kung hindi makakadalo ng personal, huwag mag-alala dahil maaari pa ring tumutok sa official Facebook page ng PELCO II para sa live-streaming ng ating AGMA.
Makibahagi. Makilahok. Makisaya. Manalo. November 9, 2025 – PELCO II AGMA 2025!