Frequently Asked Questions

Answers to commonly asked questions about Pampanga II Electric Cooperative, Inc. (PamPelco II) and its services to help you find the information you need quickly and easily.

FAQ's

Frequently Asked Questions

  • Certificate of Final Electrical Inspection – Kuhanin ito sa inyong Munisipyo
  • Electrical Plan - Kuhanin ito sa inyong Munisipyo
  • Electrical Permit - Kuhanin ito sa inyong Munisipyo
  • Fire Safety Permit - Kuhanin ito sa inyong Fire Station
  • Statemant of Account ng pinakamalapit na kapitbahay
  • Collector’s Clearance & Sinumpaang Salaysay Form – ito ay mangagaling sa PELCO II
  • Photocopy of 1 Valid ID

Kapag nakumpleto na ang mga sumusunod na requirements ay ipasa na ito sa pinakamalapit na PELCO II Area Office sa inyong lugar. Pagkapasa ng mga requirements ay maghintay ng 2-3 araw at pupunta ang PELCO II Housewiring Inspector sa inyong bahay na inyong inaaply. Siguraduhin lamang na tama at eksakto ang detalye ng address inyong bahay upang kaagad itong mahanap ng Housewiring Inspector.

Fees:

  • Membership Fee - P 5.00
  • Inspection Fee - depende sa sukat ng bahay na pinalalagyan ng kontador
  • Meter Seal Fee - P 25.00
  • Calibration Fee - P 56.00
  • BILL DEPOSIT - depende sa sukat ng bahay na pinalalagyan ng kontador
  • Service Drop - (libre ang 30 meters sa mga Residential)

Ang bill deposit ay ang halagang sinisingil sa mga Member-Consumer-Owners (MCOs) ng Electric Cooperative kagaya ng PELCO II bilang garantiya sa pagbabayad ng kuryente. Ito ay katumbas ng halaga ng isang buwang konsumo sa kuryente at base sa load na kakailanganin ng konsumer noong siya ay nag-apply ng serbisyo ng kuryente. Maaari itong ihalintulad sa deposito na binabayad ng umuupa sa isang apartment o opisina. Ang bill deposit ay isinasaayos taun-taon base sa average na konsumo ng konsumer sa loob ng labing dalawang buwan.

Kapag na-serve na ang iyong Statement of Account o Electric Bill, mayroon kang siyam (9) na araw upang bayaran ito. Kung hindi pa rin nakapagbayad sa loob ng 9 na araw, ikaw ay mayroon pang 2 araw para makapagbayad. Pagkatapos ng 2 araw at hindi pa rin nabayaran ang bill, maaari ka ng maputulan ng serbisyo ng kuryente.

Maliban sa PELCO II Area at Collection Offices, maaari ring bayaran ang PELCO II Electric Bill sa lahat ng accredited collection partners nito (Bayad Centers, EC Pay & Barangay Collection Centers). Bisitahin ang aming PELCO II Facebook page at website para sa mga listahan ng collection partners ng PELCO II.

Para naman malaman ang inyong current electric bill, maaari po tayong magtext sa PELCO II Bill Inquiry. Sundin ang ganitong format: BILL (space) 10-digit account number.BILL 12-3456-7890 at i-send sa 09190616165 para sa mga Smart subscribers at 09177026707 naman para sa mga Globe subscribers.

Ito ay batas na nagbabawal sa mga illegal na gumagamit ng kuryente katulad ng mga sumusunod:

  • Illegal Connection
  • Flying Connection
  • One line or underground jumper
  • Tampering of meter
  • At iba pa na nakasaad sa R.A. 7832

Kapag ikaw ay nahuli at napatunayan na ikaw ay lumabag sa batas na ito, ikaw ay maaaring kasuhan ng PELCO II at humarap sa mga kaukulang parusa.

  • Account Number
  • Account Name
  • Eksaktong Address
  • Contact Person
  • Active Contact Number

Maaring itawag ang inyong report sa (045) 900 0423, 0917-702-6707 para sa Globe subscribers, 0919-061-6165 para sa Smart subscribers; maaari ring i-text ito sa 0917-703-8905 para sa Globe at 0919-061-6164 naman para sa Smart Subscribers. Pwede ring i-private message ang inyong report sa Official Facebook Page ng PELCO II: https://www.facebook.com/Pelco2.

Oo, maaari kayong magrequest ng change name ngunit depende ito sa iba’t ibang kadahilanan tulad ng pagkamatay ng PELCO II Account Holder, naibentang pagmamay-ari, atbp. Para malaman ang requirements ukol dito, maaaring tumawag sa PELCO II 24/7 customer service hotline, magmessage sa PELCO II FB page, o pumunta sa pinakamalapit na PELCO II Area Office.