NGCP Succeeding Interruptions
Sa aming minamahal na miyembro-konsumedores,
Ang PELCO II, kasama ang mga pribadong partners nito tulad ng electricity-generating company na San Miguel Energy Corporation (SMEC) at ang transmitting company na National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ay patuloy na gumagawa ng paraan upang mapagpabuti ang serbisyong alay nito sa inyo, mga miyembro-konsumedores.
Isa sa mga paraang ito na ginagawa ng NGCP ay ang Re-conductoring at Stringing ng mga Conductors simula Pole 131 hanggang Pole 196. Ito ay ang pagpapalit ng mga linya upang maiwasan ang mga technical trouble na nakakapagsanhi ng minsan ay pansamantalang pagkawala ng serbisyo ng kuryente. Ayon sa kanilang work schedule, ang trabahong ito ay magtatagal at gugugol ng maraming oras. Ito ay nasimulan na noong July 9, 2016. Gayunpaman, hindi pa natatapos ang nasabing proyekto kaya’t asahan pa natin ang dalawa o tatlo pang power interruptions mula NGCP, maliban pa sa nakatakda na pong schedule sa October 22 at 28, 2016.
Nais po naming ipaalam sa inyo, na ang lahat ng ito ay para sa ikabubuti ng serbisyo ng NGCP at gayundin ng PELCO II. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pang-unawa.
PELCO II – COMSTECH MANAGEMENT