FIT-ALL 2017
Ano ang FIT-ALL?
Ito ay isang uri ng charge na sinisingil ng mga electric distribution utilities (electric cooperative o pribadong DU), mula sa mga konsumedores nito. Ang nakokolektang pera ay binibigay sa TransCo na siya naman nitong ipinamamahagi sa ilang Renewable Energy Developers. Ang layunin nito ay upang mapabilis ang pagsulong at pagpapaunlad ng renewable energy industry tulad ng hydro, biomas, wind at solar.